Royal Wedding of the Century

thread
Kahit saan ako manood, kahit saan ako mag-basa, kahit saan networking sites ako mag-punta puro royal wedding ang pinag-uusapan nila. Halos isang buwan na silang pinag-uusapan. After nitong wedding, yung honeymoon naman nila ang pag-uusapan ng Bayan at ng mundo.


Kung ako ang tatanungin nyo, di naman ako masyadong interesado sa istorya ng buhay at pag-ibig nila. Kaya lang ako nagkaka-interest dahil:


- samu't-sari ang advertisements at news about sa kanila
- pinag-uusapan sila ng marami
- magiging history sila, kaya dapat may konte din akong alam para may mai-kwento naman ako


Di nga dapat ako manonood kagabi kaso parang yun lang naman ang panoorin sa maraming istasyon kaya tinyaga ko na ring panoorin. Nakakatuwang tignan yung mga fashions nila, yung mga taong nakikigalak sa kanila (mapabata man o matanda) at syempre na-curious din ako sa mga itsura nung mga tinatawag nilang dugong bughaw, na kung tutuusin ay mga tao lang din naman, mas maganda o gwapo pa nga yung ibang artista at normal na tao kesa sa kanila.


Naging laman din ng balita yung wedding nina Princess Diana at Prince Charles noon at kung wedding dress lang din naman ang pag-uusapan, mas gusto ko yung kay Princess Diana. Mas glamorous pa syang tignan kaysa kay Duchess Kate.


Pero nung lumakad na sa aisle si Duchess Kate, super strange yung feeling, natuwa ako sa kanila. Mababakas kasi na masaya sila at talagang super in love sila sa isa't-isa. Siguro kaya nagka-interest na rin ako, dahil masaya ako kapag nakakakita ng masaya at in love na mga couples at syempre I love wedding din tulad ng maraming babae at naaalala ko sa kanila ang mga disney stories and films =). Sabi nga nila, modern day fairytales daw ito. Kaso na-puzzled lang ako sa sinabi nila na galing daw sa isang simpleng pamilya si Duchess Kate pero sinasabi rin nila na mula sya sa royal root. Weird no? Kala ko pa naman super modern day fairytale na talaga ito.


Well, tama na ang kwento. Ang mahalaga masaya ang mga tao sa pag-iisang dibdib nila at nakabahagi ako sa isang history na pwedeng ikwento sa mga susunod na saling-lahi, sana may maisasalin pa nga akong lahi =).


Congratulations and Best Wishes kina Prince William at Princess Kate. Humayo kayo at magpakarami.. hahaha... =) Sana mahalin din si Duchess Kate ng marami, gaya ng pagmamahal ng mga tao kay Princess Diana noon. "Great power needs great responsibility" gaya ng sinasabi ng marami. Di na sya private person, susubaybayan na sya ng publiko at maraming mag-babago sa normal nyang buhay.
kaninong gown ang mas gusto mo?

take off your depression

thread
"I live with two of the most beautiful girls in the world, and I'm constantly surrounded by funny, confident, beautiful people, so it is difficult not to feel overshadowed sometimes. But I try to be comfortable with myself, and accept myself for all the good things that I am, rather than what I'm not. I can't change, or make myself more like the people around me, but I can become the best version of myself I can be, and that's all I can ask of me, and it should be enough."


Catherine 19